Alam nyo ba yung feeling na para kang side-character sa sarili mong buhay?
Yung feeling na lagi ka lang may sine-serve na iba?
Yung parang hindi mo naman necessarily gusto yung ginagawa mo?
May mga hawak kang mga bagay na di mo naman kelangan,
may mga lugar na kailangang puntahan, kahit halata namang hindi ka gusto dun,
pero kelangan mong puntahan, kasi may naguutos - na hindi mo kayang suwayin.
Alam nyo ba kung ano ang pakiramdam?
Kahit anong gawin mong sakripisyo't pag-aalaga,
Hindi parin sapat, sapagkat kailangang may magwagi!
Pagka-uwing pagka-uwi mo palang,
kakalagok mo palang ng tubig,
pinapabalik ka na sa pag-aalaga.
Nakakapagod, oo. Pero ok lang naman yun.
Dahil mas ok pang mamatay sa pagod at sakit, kaysa mawala ang minamahal.
So please, I implore you,
Mr. Pos4-Snapfire-with-an-Aghs.
Please, kiss my hero to death.